December 24, 2010 Linalagnat na ako mag hapon ako sa bahay walang kasama nanonood lang ng tv buti na lang may tv kung hindi lalong nakaka-boring, habang nanonood nakikipag palitan ng text messages with greetings "Merry Christmas to you and to your Family" normal way of greetings ng mag kakaibigan yong iba nag padala ng quotes na nakaka inspired salamat sa kanila hehe... ako naman nag forward ng mga quotes na maganda sa mga friend ko din na alam kong hindi pa nare-received ang quotes na foforward ko. first time kong mag celebrate ng CHRISTmas na walang kasama sa bahay buti na lang bumili ako ng tasty sa bakery ng medjo hindi pa ako linalagnat bandang 8:00pm medjo masakit na ang ulo ko lumalala na ang lagnat ko pero inisip ko kaya ko pa hooo! nanood parin ako ng movie pero wala na akong maintindihan hehe 9:00pm natulog na ako ng tuloyan hindi ko na kaya suko na ako sa sakit ng ulo. December 25, nagising ako tanghali na pero ang taas ng lagnat sa tingin ko naman kaya ko pa kaya hindi naman ako nag alala na sa bahay lang ako lumabas lang ako sa bahay para bumili ng apat na pirasong neozep ewan ko pero yon nabili ko hehe may sipon din naman ako e kaya ok lang pagkakain ko uminom ako ng gamot kunting text sa mga friend and family sa probinsya then before I went to sleep I talk to God and say a little Prayer "Lord please help me! pagalingin nyo po ako ito na lang gift nyo sakin ngayong pasko". gumaling naman ako ng kunti nakapasok ako kinabukasan Dec. 26 at hangang Dec. 30, Dec. 31 umuwi naman ako ng province to celebrate new year with my Family. :)