RUGBY Users --->
Ilang taon na din o dekada na nga na sikat ang Rugby ( Karaniwang ginagamit pandikit sa mga nasirang kasangkapan kalimitan ay mga damit, sapatos, seda at sako o malalambot na bagay ang dinidikitan nito.) na ginagamit ng mga street Children upang gawing pampalipas gutom sa lansangan, karaniwan ng makikita sa mga batang namamalimos ang may hawak na plastik at may lamang Rugby habang sinisinghot nila ito at gumagala-gala habang nag hahanap ng kanilang mapag kakakitaan, karaniwan ng makita ang mga batang ito sa tabi ng kalsada, sa bangketa sa mga Public places sa ilalim ng tulay o kung saan parte ng syudad na maaari nilang Pagtigilan, ngunit hindi lamang ang mga bata ang nakikta kong gumamagamit ng rugby pati ang mga matatanda nilang kasama na karamihan ay kanilang magulang, kapatid o kamag-anak,Pangunahin Dahilan ng Pag-gamit ng RUGBY ay ang ilan sa mga sumosunod:
1. Para hindi sila makaramdam ng gutom / maibsan ang nararamdamang gutom.
2. Hindi sila makapag isip ng ibang problema.
3. Maiwasang makaramdam ng Publikong Pagka-Pahiya (Public humiliation).
Ngunit kamakailan lamang habang ako ay pauwi galing sa trabaho, nakakita ako ng ilang kabataan na sumisinghot at nakita ko na hindi naman ito Rugby ng aking lapitan ay napag-alaman kong ito ay Vulcaseal.
VULCASEAL Users --->
Ang Vulcaseal ay karaniwan ng ginagamit para pantapal sa mga butas ng bubong ng bahay, o ano mang butas na pwede nitong pag-lagyan,
Ng dahil sa pinag bawal ng Government ang Rugby na ipag-bili sa mga kabataan Ang Vulcaseal ngayon ang nakita nilang pamalit sa kanilang nakasanayan na ginagamit na Rugby, upang matugonan ang kanilang panandaliang panganga-ilangan. Ngunit ito ay mapanganib sa kalusogan at nakakalungkot isipin na napaka raming kabataan na naman ang masisira ang buhay at kalusogan at pag katao at ang kanilang pag iisip ng dahil sa mga chemical na ito, Paano nga ba masusugpo ang kahirapang nararanasan natin ngayon? lalo na ang mga kababayan nating mahihirap pa sa daga ang buhay, wala naman sigurong tao ang susubok na gamitin ang mga Chemical na ito para maibsan ang kanilang gutom.
No comments:
Post a Comment
Please leave your comment here. Thank you!